May tatlong paraan ng pagbabayad gamit ang GCash app:
1. Scan gamit ang Commute QR code
2. Tap gamit ang GCash Visa Card o any Visa o Mastercard
3. Tap gamit ang NFC-enabled Android phones
Lahat ito ay cashless, secure, at direktang gumagamit ng laman ng GCash e-wallets.
Gamit ang 3 ways to pay via GCash, diretso nang nakakabayad ang mga commuter at hindi na kailangang pumila o maghanap ng kiosk para mag-reload.
Mayroon ding libreng Wi-Fi sa lahat ng MRT-3 stations sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na nagbibigay-daan sa mga commuter na madaling makapag-access ng GCash e-wallet habang nasa mga MRT-3 stations.
Ayon sa GCash, layunin ng serbisyong ito na gawing mas magaan at mas mabilis ang araw-araw na biyahe ng mga commuter.
“Patuloy kaming nakikipagtulungan sa DOTr at sa iba pang sangay ng gobyerno para gawing mas simple at maginhawa ang pagbiyahe ng mga Pilipino,” ayon kay Ren-Ren Reyes, President at CEO ng G-Xchange, Inc., ang mobile wallet operator ng GCash. “Sa GCash Commute, mas flexible at mas convenient ang paraan ng pagbabayad para sa mga commuters,” dagdag nito.
Bahagi ang GCash Commute sa patuloy na pagpapalawak ng cashless at ng mas ligtas at mas convenient na digital payment options sa pampublikong transportasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa GCash Commute, maaaring bisitahin ang GCash app o ang website sa www.gcash.com.

No comments:
Post a Comment